It's very flattering to know that there are Pipol who appreciate AEthanoscopy and who are willing to contribute and share their own thoughts in this blogspot. I have just created a new category of this blog called AE Lit wherein Literary pieces will be featured. It may be personal composition, excerpts from reading materials, movies and/or songs and/or valuable pieces shared by friends.
This time, a new office friend, Ms. Hannah Yuga, happily informed me that she wanted to share her very nice Tagalog poem. And it was gladness that i felt! I know many of us can relate to this literary piece from a young, energetic and talented lady who is a Food Technologist from UP Diliman and is now part of the dynamic Dolefil Quality Assurance team as an Auditor. Please scroll down below and be captivated on her way of putting brilliant brainwork in her poem.
Siyang Paru Paro
Hannah Yuga
Paru parong mailap
kailan magpapahagilap?
talulot na namangha sa taglay mong kulay
at mga kakaibang pananaw sa buhay
kakatuwa ang pagsabay mo sa ihip ng hangin
kakakirot na ika'y di dapat salangin
ang iyong pagtalon talon sa mga bulaklak
di maging dahilan ng iyong pagsalpak
ang pagkaakit sa kanilang halimuyak
binura ang puso mong dati'y payak?
taglay ang iyong malayang pag-iisip
kailan mapapansin ang talulot na alay
bakit di subukan ang halimuyak na taglay
nang kalungkutan mo'y unti-unting mahimlay?
ngiti mo paruparu, isang regalong nais
ngunit bakit may daplis ng pagtangis?
kailan babalik ang dalisay na saya
mula sa puso mong inagawan ng laya
ng utak na lubos na mapanuri
hanggang kailan mo mithing maging hari?
naway di masunog sa sinag ng araw
kabataan mo't buhay di tuluyang maagaw
naway di maabutan ng takipsilim
o di kaya ng langit na makulimlim
bago ika'y muling bumalik
sa bulaklak na may wagas na halik
nawa'y isantabi ang pagkayamot
tigilan ang walang sawang pakikihamok
sa katotohanang binabanggang parang bato
ng kaalamang di lubusang makontento
kailan magpapahagilap?
talulot na namangha sa taglay mong kulay
at mga kakaibang pananaw sa buhay
kakatuwa ang pagsabay mo sa ihip ng hangin
kakakirot na ika'y di dapat salangin
ang iyong pagtalon talon sa mga bulaklak
di maging dahilan ng iyong pagsalpak
ang pagkaakit sa kanilang halimuyak
binura ang puso mong dati'y payak?
taglay ang iyong malayang pag-iisip
kailan mapapansin ang talulot na alay
bakit di subukan ang halimuyak na taglay
nang kalungkutan mo'y unti-unting mahimlay?
ngiti mo paruparu, isang regalong nais
ngunit bakit may daplis ng pagtangis?
kailan babalik ang dalisay na saya
mula sa puso mong inagawan ng laya
ng utak na lubos na mapanuri
hanggang kailan mo mithing maging hari?
naway di masunog sa sinag ng araw
kabataan mo't buhay di tuluyang maagaw
naway di maabutan ng takipsilim
o di kaya ng langit na makulimlim
bago ika'y muling bumalik
sa bulaklak na may wagas na halik
nawa'y isantabi ang pagkayamot
tigilan ang walang sawang pakikihamok
sa katotohanang binabanggang parang bato
ng kaalamang di lubusang makontento
Like Hannah, you too can share your creative pieces in my blog if you don't have time to create a blogspot of your own. Just email me and let your other cool side be heard and be recognized.
thAEnk-worthy:
* Ms. Hannah Yuga for this wonderful poem that you have shared. Keep rockin' girl!
0 comments:
Post a Comment